Mongolian Beef Ala of Changs


Sangkap:

2 lb flank steak
½ cup cornstarch
½ cup vegetable oil
For sauce
2 tbsp vegetable oil
1 cup soy sauce
1 cup brown sugar
4 cloves garlic, minced
1 cup water
2 or 3 green onions chopped

Paraan:

1) Hiwain ang steak ng maninipis at pahaba … salungat sa grain (yung nakikita ninyong guhit sa karne ng baka o against the grain kung tawagin sa Ingles).

2) Sa isang ziploc bag o container na may takip maglagay ng cornstarch at ilagay ang beef dito. Selyuhan o takpan at alugin ito hanggang matakpan ng cornstarch ang karne. Ilagay sa refrigerator hanggang ready na kayong lutuin ito.

2) Sa isang saucepan ilagay ang mantika, toyo, asukal na pula, bawang at tubig. Haluing mabuti sa MEDIUM heat hanggang lumapot ito. Mga 20 minutes basta halu haluin ng manaka naka. Itabi.

3) Magpa-init na mantika sa isang non stick na kawali. Kapag mainit na ang mantika … ilagay ang karne ng baka at lutuin hanggang mag brown (2 batches). Dagdagan ng mantika kung kinakailangan. Hanguin ang baka kapag naluto na at tanggalin ang natitirang mantika sa kawali. Ibalik ang karne, ibuhos ang sauce. Haluin at lutuin ng mga ilang minuto. Tapos!

Serve na po ninyo sa kanin at budburan ng hiniwang green onions.

Everything you want!