Lechon Kawali

SIKRETO NG MASARAP NA LECHONG KAWALI. Minsan po ay nagtataka tayo kung bakit ang lechon kawali ni ganito o ni ganyan ay masarap at maganda ang texture. Ituturo po natin dito ang tamang proseso at magugulat po kayo.. (“,)

Sangkap:

Karne ng baboy (maganda po ay pigi o liempo na may balat at taba)
2 tasa 7-up o Sprite
2 kutsara na asin
4 butil na bawang (pinitpit)
1 kutsara pamintang buo
2 dahon ng laurel
Mantika (medyo marami po ito pang deep-fry)
patis at kalamansi pamahid
pamintang durog

Paraan:

Sa isang palayok o anumang malalim na cooking pot ay ilagay po natin ang lahat ng sangkap MALIBAN ang Mantika at Patis, Calamansi at Paminta. Punuan ng tubig at pakuluan sa mataas na apoy. Kapag kumulo na ng husto ay takpan, hinaan ang apoy at hayaang kumulo ng 45 minuto. Patayin ang apoy, hanguin at i-refrigerate po natin ng buong magdamag o 8 oras.

Kapag ready na po ay pagsamahin sa isang mangkok ang patis at calamansi. Pahiran ang karne ng baboy. I-prito o i-deep fry po natin ito ng mga 15 minuto o hanggang lumutong ang balat sa medium heat o katamtamang apoy (Iprito po ang karne na may balat at taba ng buo at saka chop chopin kapag pwede na). Hanguin at budbrun ng paminta. Isilbi po ito sa lechon sauce o suka’t sili na may paminta. Ito po ang sikreto ng mga masasarap na restoran sa atin.. bon apettite!! (“,)

**note: Minsan po ay tumatalsik ng malakas ang mantika kaya mag ready po kayo ng pantakip sa kawali.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *